Merkantalismo

Merkantalismo

Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal na magdadala ng ginto at pilak sa bansa at magpapanatili ng domestic employment.

Dahil dito, naging napakayaman ng mga mangangalakal at producer tulad ng British East India Company na pinrotektahan ng estado sa mga layunin at aksyon nito. 


Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.

ref:

https://brainly.ph/question/88474
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sistemang_pang-ekonomiya

Reaction Paper

Ang Merkantalismo ay may malaking naiambag noon. Ang sistemang ito ay nakapagpahalaga sa pagkakaroon ng balance sa pangangalakal. Marami akong natutunan dito katulad ng mga pangkalakalan at nakasalalay sa dami ng ginto ang yaman ng isang bansa noong unang panahon

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bourgeoisie

Piyudalismo

Repormasyon