Piyudalismo


Piyudalismo

Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari. Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko. Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal  – ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya  – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo.


Isang sistemang Pangmilitar at Pampulitika. Umiiral noong kalagitnaang panahon sa Kanlurang Europa. Sa ilalim ng sistemang ito ang lupaing pag-aari ng Asendor, na tinatawag na Panginoon, ay ipinagagamit sa kanyang tauhan, na tinatawag namang mga Basalyo(vassal)habang ang mga ito ay naglilingkod sa kanya. Ang sistemang PIYUDAL ay kontrata sa pagitan ng isang maharlika at isang basalyo na kung saan ay bibigyan ng may-ari ng lupa (maharlika) ang isang basalyo ng FIEF (lupa) bilang kapalit ng kanyang paglilingkod kasabay ng ritwal na HOMAGE o INVESTITURE na siyang aktwal na pagbibigay ng lupa.


Fief ang Tawag sa lupang isinusuko na pagmamay-ari ng basalyo.Isinusuko ng basalyo ang lupa para sa kanyang seguridad. Impluwensya ng Roman Institution of Particinium at German Institution of Mundium. Viking ang mga Viking ay ang mga manlalakbay, barbarong mananakop at mga tinderong nanakop sa mga bansa sa Europa noong ika-9 hanggang ika-12 siglo.


PictureNaging hari ng mga Frank si Charles; tinawag siyang Charlemagne. Charlemagne: Carolus (Charles) at Magnus (great); o Charles the Great

 Ang Paglaganap ng Piyudalismo 
Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.
     Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

NAGMULA/LUMAGANAP
     Unang lumaganap sa “Frankish Lands” noong 9th at 10th century• Ang mga rehiyon na hindi sakop ng “Roman Customs” ay ang pyudalismo ay isang hakbang patungo sa kaayusan at “centralization” Ang mga makakapangyarihan ay merong mga tauhan na nagsisilbi sa kanila, lalo na ang pagsilbing militar kapalit sa proteksyon nila. Naging permanente ito sa “Frankish Lands” hanggang katapusan ng 10th century. Ang simbahan ay isa din sa mga impluwensya ng pagpapalaganap ng pyudalismo sa Europa.
  • Lipunan sa Panahong Piyudalismo
Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo ang mga pari,kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin (serf) .
 ---->Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring magasawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. 
--->Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.Ang kabalyero (Ingles: knight) Ang mga kabalyero ay mga basalyo sa mga panginoon, na binibigyan ng mga panginoon ng lupain kung ang kabalyero ay makikibaka para sa kanila. Inisip ng mga kabalyero na ang karangalan  ay napakahalaga, at mayroon silang isang kodigo ng dangal na tinatawag na pagkakabalyero (chivalry). Kadalasan silang mayroong eskudo de armas (coat of arms). Sa kasalukuyan, ang mga kabalyero ay pinapangalanan ng Reyna.

----> Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.

Ang Paglaganap 
  Lumaganap ang pyudalismo mula France hanggang Spain, Italy at hindi nagtagal, sa Germany at Silangang Europa. Sa Inglatera, ang Frankish form ay ipinapataw ni William (William the Conqueror)• Lumaganap hanggang Slovic lands at naimpluwensyahan din ang Scandinavian countries.

Picture


Sistema ng Piyudalismo
 King - Nagmamay-ari ng lupa. Nagbibigay siya ng lupa sa mga taong sumosoporta sa kanya. Yung mga taong yun ay kailangang may tapat na panunungkulan sa hari.
Ang nobles, barons, at bishops ay dapat makapagbigay ng sapat na bilang ng mandirigma, pera at payo at isang lugar para tuluyan kapag naglalakbay ang hari.

 Knights - Ang bansa ay nahati sa libou- libong “knights’ fee”. Bawat isa ay bibigyan ng “manor” at kailangan magpadala ng isang madirigma sa hari.
 PeasantsWala silang lupa na pinagmamay-ari. Sila ay nagtratrabaho lamang sa kanilang mga amo.

Pagbagsak
 Ang pag akyat sa kapangyarihan ng Monarkiya sa France, Spain, at Inglatera ay ang simula naman ng pagbagsak ng mga lokal na samahan.• Paglaganap ng komunikasyon ay yun din ang pagbagsak ng “isolated manor”• Ang sistema ay unti-unting bumabagsak pero hindi tuluyang bumagsak sa France hanggang sa French Revolution (1789) at sa Germany hanggang 1848, at sa Russia hanggang 1917.



REFERENCE:

https://jasmineclado.weebly.com/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Piyudalismo




REACTION PAPER!!!

Para sa akin ang Piyudalismo ay may malaking naitulong noon. Noong Gitnang panahon ay puno ng kaguluhan, kawalan ng kapayapaan at dahil sa Piyudalismo ay nahinto ang mga gahas na bumabalot sa gitnang panahon. Ang piyudalismo ang nagsisilbing proteksiyon ng bawat isa noong gitnang panahon. Natuto din silang mag bigayan dahil sa paraang pagbibigayan nanaig ang kapayapaan noon. Ang piyudalsimo ay ang halimbawa noon na maaaring matamo ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbibigayan ng bawat isa. 



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bourgeoisie

Repormasyon