Manoryalismo

Manoryalismo
Ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.
Sistemang Manoryal
Ang pang-ekonomiyang katapat ng pyudalismo ay manoryalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid at ng kanilang ugnayan sa isa't-isa at sa lord ng manor. Ang sistemang manoryal ay ang sistemang pang-akonomiya noong Gitnang Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan ng mga tao.
Ang manor ay isang malaking lupaing sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot sa 2/3 ay pag-aari ng lord.
Ang maharlika ang pinakamataas na uri ng mga tao sa sistemang manoryal na kinabibilangan ng mga panginoon ng lupa, obispo at abbot. Samantala, ang mga manggawa ay nahahati sa dalawang uri: ang malalayang tao o freemen at mga serf o magbubukid.
Pagsasaka:Batayan ng Sistemang Manor
Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito.
Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng mga manor ay tinatawag na three-field system. Hinahati ang lupain sa tatlong bahagdan. Ang isang bahagdan ay maaaring tamnan. Ang ikalawa ay gulay at ikatlo ay hindi tatamnan.
Ang pamamahala sa Manor
Ang panginoong pyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.
Ang "steward" ang mgay pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na tagapamahala sa korte ng manor. 
Ang "bailiff" naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukwenta ng salapi at paniningil ng upa, multa at iba pang bayarin.
Ang "reeve" ay tumutulong sa "bailiff". Sila ang namamahala sa papaparami ng dayami at sa pag-aalaga nito atbp.
Ang mga "serf" naman ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Dahil sa wala siyang pinag-aralan at itinuturing na walang alam
Katayuan ng mga Babae sa Manor
Ang mga babaing nabibilang sa maharlika angkan ay tinatawag na "ladies". Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon.
Ang mga babaing magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa bukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil
Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay maaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay maari na siyang ipagkasundo. Maari lamang ikasal ang babae kung mayroon siyang dote na salapi, lupa o produkto na kanyang dadalin sa pagpapakasal.
Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod
Panahon ng ikasampu hanggang ikalabing-isang dantaon nang lumitaw ang mga bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong ikalabindalawang dantaon.
Ang krusada ay may malaking naidulot sa malaking pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto.
Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao.
"Moneyed Economy"
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan, natuklasan ang paggamit ng salapi bilang midyum ng pakikipagkalakalan.
Sa mga unang taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o "barter".
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong pyudal na magtatag ng taunang perya. Dito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Kumikita ang panginoong pyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito. Dito sa salaping ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dito nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer.)
Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikadong mag-iwan ng malaking halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba't-ibang lugar.
Ang mga Fair
Nakikipagpalitan sila ng mga produkto sa pamamagitang ng sistemang "barter". Subalit ng madagdagan ang dami ng produkto na ikinakalakal galing sa ibang lugar, ang mga "lord" ng mga manor ay nagtayo ng mga "fair". Ang mga "fair" ay nagsisilbing tagpuan ng mga mangangalakal mula sa iba't-ibang bahagi ng Europa. Ang mga "fair" ay kapaki-pakinabang sa mga "lord" sapagkat nagbibigay ito ng karagdagang kita sa kanila.
Ang Paglitaw ng Burgis
Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na mga "burgis". Ang mataas na uri ng "bourgeoisie" ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang mga "bourgeoisie" ay naging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong pyudal dahil sila ay mga bagong yaman lamang.
Ang Sistemang Guild
Ang "guild: ay isang samahang institusyonal na ang pangunahing layunin ay protektahan ang interes ng mga kasapu. Bawat guild ay may sinusunod na patakaran. Sinasawata nila ang pagsali sa kalakalan ng hindi kasali sa guild.
Pagbabago ng Katayuan ng Maharlika
Maraming lupain ang napagbili noong lumahok sa krusada ang mga maharlika. Ang iba ay nagkautang dahil na rin sa pagiging maluho. Kinakailangan nila ang salapi kaya ito parin ang nging dahilan ng paglaya ng ibang alipin na nakahandang magbayad ng salapi.
Pwersa ng Mangangalakal
Sa pamahalaang bayan, lumakas ang kapangyarihan ng mga masalaping mngangalakal. Dahil na rin dito, napilitan ang mga hari na ipagbili ang karapatang mangalakal sa mga makapangyarihang "guild".
Hindi nagtagal, umunlad ang kapangyarihan ng hari dahil sa mga bagong sandata nila. Sinasaligan nito ang iba't-ibang antas ng tao. unti-unting nagbigay-daan ang dating sistemang pyudal sa isang matatag na pamahalaan na nasa kamay ng makapangyarihang hari.

reference:
https://prezi.com/xajfxpq669cz/pyudalismo-at-manoryalismo/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Manoryalismo

REACTION PAPER!!!

Para sakin ang Manoryalismo ay malaki ang naiambag noong unang Gitnang Panahon. Natutunan ko dito ang sistemang Manoryal kung saan ang umiikot dito ay ang kabuhayan at ekonomiya ng Gitnang Panahon. Marami ang natulungan ng sistmemang ito dahil sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan ng mga tao. Nalaman ko din ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Marami ang naiambag ng Manoryalismo sa Gitnang Panahon lalo na sa ekonomiya nito.

Mga Komento

  1. Tula plsss tungkol sa karaniwang eksenasa mga manor sa gitnang panahon,ipakita ang mg pangunahing tauhan sa lipunan at kanilang partikular na gawain

    TumugonBurahin
  2. Casinos Near Harrah's Resort and Casino, Atlantic City, NJ - Mapyro
    A map showing 부산광역 출장마사지 casinos and other 김포 출장마사지 gaming 여주 출장마사지 facilities located near Harrah's Resort 의정부 출장마사지 and Casino, worrione Atlantic City, NJ.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bourgeoisie

Merkantalismo

Repormasyon